Skip to main content

LISTAHAN

  Menu 

PANGANIM NA BAHAGI NG SAP (SECOND TRANCHE)

  1. 1. Sino-sino ang maaring makatatanggap ng pangalawang bahagi ng ayuda (6nd tranche) sa ilalim ng SAP na ipinatutupad ng DSWD?

Maari lamang makatanggap ng pangalawang bahagi ayuda kung:

  1. a. Kabilang sa nabigyan ng ayuda sa unang bahagi ng programa at
    • ● Base sa balidasyon na ginawa ng DSWD, ikaw ay (i) kabilang sa mga kwalipikadong pamilya sa programa, at (ii) walang duplikasyon sa pagbibigay ng ayuda mula sa iba pang ibang ahensya ng pamahalaan (MC 9 Series of 2020, Section VIIIB6), at
    • ● Ang iyong lugar ay kabilang sa naitalagang bibigyan ng pangalawang bahagi ng ayuda base sa kasulatan galing sa tanggapan ng pangulo.
    • b. Kabilang sa karagdagang 5 milyong benepisyaryo ng SAP (waitlisted o leftout) base sa isusumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD at alinsunod sa magiging alituntunin patungkol sa nasabing karagdagang benepisyaryo.
    1. 2. Anu-ano ang mga lugar na kasama sa makatatanggap ng pangalawang bahagi ng ayuda (6nd tranche)?
    • a. Mga lugar na kabilang sa nabigyan sa unang bahagi ng ayuda kabilang ang mga sumusunod:
    • • NCR; Region III (except Aurora); Region IV-A; Benguet; Pangasinan; Iloilo; Cebu Province; Bacolod City; at Davao City (base sa ECQ Areas per EO No. 112, S. 2020  dated  01 May 2020)
    • • Albay Province; at Zamboanga City (base sa ECQ Areas per Memo of Executive Secretary dated 02 May 2020)
    • b. Mga lugar o rehiyon na nagsumite ng karagdangang listahan may kwalipikadong benebisyaryo na kabilang sa karagdagang 5 Milyong benepisyaryo ng SAP (waitlisted o leftout)
    1. 3. Ilang pamilya ang inaasahang makatatanggap ng pangalawang bahagi ng pamimigay ayuda (6nd tranche)?

Tinatayang nasa 13.5 milyong pamilya ang makatatanggap sa second tranche kabilang ang mga sumusunod:

    • a. 8.5 milyong pamilya na kabilang sa 18 milyon na naunang nabigyan ng ayuda; at
    • b. 5 milyong pamilya na kabilang sa karagdagang benepisyaryo mula sa lahat ng rehiyon.
    1. 4. Kailan magsisimula ang SAP second tranche?

Inaasahang magsisimula ang pamimigay ng second tranche sa Hunyo pagkatapos maisagawa ang mga sumusunod:

    • a. Pagsusumite ng lokal na pamahalaan ng listahan ng mga nakatanggap ng ayuda sa first tranche at listahan ng mga karagdagang kwalipikadong pamilya  ng benepisyaryo; at
    • b. Pagsasagawa ng balidasyon ng DSWD kung ang mga nakatanggap ng ayuda at karagdagang maaring tumanggap ng ayuda ay karapat dapat base sa itinalagang alintuntunin at hindi tumanggap ng iba pang ayuda mula sa ibang ahensya ng pamahalaan.
    1. 5. Sa lugar lamang ba na nasa ilalim ng ECQ ang mabibigyan ng ikalawang bugso ng ayuda?

Base sa “Bayanihan to Heal as One Act” at sa mga umiirial na panuntunan, ang pagbibigay ng ayuda ay para sa mga kwalipikadong pamilya na nasa ilalim ng ECQ. (Republic Act No. 11469; MC 9, Series of 2020).

Inanunsyo rin ng tagapagsalita ng Pangulo na ang mga kwalipikadong pamilya lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ ang mabibigyan ng ikalawang bugso o bahagi ng SAP. Inaantabayanan lamang ng DSWD ang opisyal na kasulatan patungkol dito (May virtual presser).

    1. 6. Anong ahensya ng pamahalan ang mamahagi  ng pangalawang bugso ng ayuda sa ilalim ng SAP?

Ang DSWD katuwang ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mamamahagi ng pangalawang bugso ng ayuda sa ilalim ng SAP alinsunod sa kutusan ng Pangulo.

    1. 7. Saan gagamitin ang ayuda na isinauli mula sa mga hindi kwalipikadong pamilya na nakatanggap ng  first tranche?

Ang mga isinauling pera ay gagamitin o ipapamahagi para sa mga kwalipikadong pamilya sa second tranche.

    1. 8. Ang sabi ng LGU, sa DSWD daw nanggaling ang listahan ng mga beneficiaries kaya madami ang hindi nakasama.  Totoo ba ito?

Hindi, ang LGUs ang gumagawa ng listahan ng mga benepisyaryo base sa kanilang assessment ng mga pamilyang kwalipikado sa programa. Bagamat nagbibigay ang DSWD ng listahan ng mga mahihirap hango sa listahan ng mga Tahanang Nangangailangan o Listahanan database ng ahensya, ito ay batayan lamang ng mga posibleng benepisyaryo na isasailalim pa din sa hiwalay na pagsusuri ng LGUs (MC 7, Series of 2020, Section C at MC 8, Series of 2020).

    1. 9. Awtomatiko bang makatatanggap sa second tranche ng ayuda kung kasama na sa naisumiteng listahan ng lokal na pahalaan sa DSWD Field Office?

Hindi, magkakaroon pa muna ng balidasyon kung kwalipikado ang mga nasa listahan na naisumite ng lokal na pamahalaan.

    1. 10. Paano malalaman na hindi kwalipikado sa ayuda ang mga naisumiteng pangalan ng pamahalaang lokal para sa wailisted/left-out/additional na benepisyaryo?

Maglalathala ang barangay  ng listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng SAP (MC 9 Series of 2020, Section X). Maari ding lumapit at magtanong sa Provincial/City/Municipal Social Welfare Development Office (P/C/MSWDO) na silang nagsumite ng listahan sa DSWD para sa wailisted/lestout/additional na benepisyaryo.

    1. 11. Kung nakabalik na sa kanilang bayan o lugar ang mga dating na stranded, makakakuha pa din ba sila ng ayuda?

Maaaring mapabilang sa bibigyan ng ayuda para sa second tranche kung mapatunayan na kasama ang pamilya nito sa kwalipikadong pamilya sa ilalim ng programa na hindi napabilang (left-out o waitlisted) sa unang bugso ng ayuda. Ang assessment ng kwalipikasyon sa SAP ay per pamilya at hindi indibidwal.

    1. 12. Requirement po ba ang SAC sa 2nd tranche? Paano kung kinuha ng barangay ang kopya ko?

Kailangan po ang SAC upang makapagrehistro sa ReliefAgad app na isa sa mga pamamaraan upang makakuha ng second tranche para sa mga kwalipikadong pamilya. Mangyaring makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan para sa kopya ng inyong SAC form

5 MILYONG KARAGDAGANG BENEPISYARYO NG SAP

    1. 13. Paano ang mga kwalipikadong pamilyang hindi nakasamma sa first trache ng SAP?

Makakasama sa second tranche ang mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa first tranche ng SAP (waitlisted/leftout/additional beneficiaries) base sa isinumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD.

    1. 14. Ano ang basehan sa 5 milyong karagdagang benepisyaryo na makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP?

Ang karagdagang benepisyaryo ay base sa isusumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD. Matatandaan na nagkaroon ng Appeal System ang DSWD kung  saan  inatasang magpasa ang lokal na pamahalaan ng listahan ng mga wailisted/lleft out o mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa mga naunang nabigyan ng SAP sa kanilang mga lugar. Ang listahan na ito ay maaring gamitinpara sa pagbibigay ng ayuda para sa karagdagang 5 milyon na pamilya.

    1. 15. Ilang buwan ang matatanggap na ayuda  ng 5 milyong karagdagang benepisyaryo sa ilalim ng SAP?
    • a. Nasa 3.5 milyon sa 5 milyong benepisyaryo ay makatanggap ng ayuda na katumbas ng dalawang buwan (P5,000 – 8,000 x 2 months). Sila ang mga benepisyaryo na kabilang sa ECQ areas alinsunod sa EO No. 112, S. 2020 dated  01 May 2020 at Memo of Executive Secretary dated 02 May 2020.
    • b. Ang natitirang 1.5 milyon ay makatatanggap ng ayuda na katumbas ng isang buwan (P5,000 – P8,000).

BALIDASYON NG BENEPISYARYO NG SAP

    1. 16. Hindi ba mag-re-resulta sa pagka-antala ng pag-release ng 2nd tranche ang ginagawang proseso ng validation?

Hindi. Ang kasalukuyang ginagawang alituntunin ang DSWD at ang paggamit ng teknolohiya sa pamamagitan ng ReliefAgad app ay naglalayon na mapabilis ang ginagawang validation upang hindi makaantala sa pagmimigay ng ikalawang bugso ng ayuda.

    1. 17. Ano ang sinusuri sa balidasyon na isinasagawa ng DSWD sa mga nakatanggap ng ayuda sa first tranche?

Ang balidasyon na ginagawa ay upang suriin (i) kung karapat-dapat ang benepisyaryo at (ii) kung walang duplikasyon o hindi hihigit sa isang beses tumanggap ng tulong ang pamilya mula sa DSWD at sa ibang pang ahensya na inatasang magpatupad ng hiwalay na tulong sa ilalim ng SAP (MC 9 Series of 2020, Section VIII-B).

    1. 18. Paano gagawin ang balidasyon sa mga nakatangap ng ayuda kung sila ay kwalipikado sa programa (validation as to elegibility)?

Ang balidasyon ay gagawin sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod na pamamaraan:

    • a. Physical validation o pagpunta sa bahay bahay ng mga nakatanggap ng ayuda;
    • b. Remote validation o pagsasagawa ng balidasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone, pag-email, o iba pang pamamaraan na hindi kailangang magpunta sa bahay bahay;
    • c. Computer algorithm o gamit ang computer program ay susurin ang mga binigay na impormasyon ng benepisyaryo sa SAC form; o
    • d. Iba pang mabilis at mabisang pamamaraan ng balidasyon.
    1. 19. Paano ang gagawing balidasyon upang masuri kung hindi higit sa isang beses tumanggap ng tulong ang pamilya mula sa DSWD at sa ibang pang ahensya (validation as to duplication of subsidy received)?

Mabibigay sa DSWD ang listahan ng nakatangap ng ayuda mula sa SSS, DOLE, DA, LTRFB at iba pang ahensya at ang listahan mula sa mga lokal na mapahalaan. Magkakaroon ng matching ng mga pangalan upang masuri kung nakataggap ng ayuda mula higit na isang ahenysa.

Ang mga benepisyaryong nakitang nakatanggap ng ayuda sa higit na isang ahensya ay hindi na muling makakatangap ng second tranche ng ayuda kung sakaling ang kanilang lugar ay kabilang sa naitalagang bibigyan ng pangalawang bahagi ng ayuda alinsunod sa opisyal na kasulatan na ilalabas ng Pangulo.

    1. 20. Paano ang gagawin sa mga benepisyaryo na nadiskubre na higit sa isang beses ang natanggap na ayuda?

Kailangang ibalik ang ayuda sa kanilang pamahalaang lokal. Posible din na mabigyan ng demand letter ang mga benepisyaryo na nagsasaad na kailangan nilang ibalik ang nakuhang ayuda (May 21, DSWD Virtual Presser).

    1. 21. Paano kung ang mga 4Ps beneficiaries ay nakatanggap din ng SAP?

Ang mga benepisyaryo ng 4Ps na muling nakatanggap ng SAP ay magkakaroon ng adjustment sa kanilang buwanang cash grant mula sa regular na implementasyon ng 4Ps. Ang mga 4Ps beneficiaries ay kasama sa mga benepisyaryo ng emergency cash subsidy sa ilalim ng SAP. Nakatanggap na sila ng ayuda na nagkaka-halaga ng P3,650 to P6,650 na karagdagang halaga sa tinatanggap na buwanang cash grant.

IMPLEMENTASYON NG SAP NG IBA’T IBANG AHENSYA NG PAMAHALAAN 

    1. 22. Maari bang makasama sa mabibigyan ng DSWD SAP ang mga empleyado na na-disqualify sa DOLE CAMP?

Hindi. Ayon sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, ang emergency cash subsidy sa ilalim ng DSWD-SAP ay para sa 18 milyong mahihirap na pamilyang pinaka-naapektuhan ng ECQ na kabilang sa impormal na sektor at nawalan ng pagkakakitaan dahil sa ECQ. Base sa eligibility requirements na ito, hindi kwalipikado ang mga pamilya ng mga formal sector workers sa SAP.

    1. 23. Kailangan ba ibalik ang ayuda kung nakatanggap ang benepisyaryo sa SSS matapos naibigay ang naunang ayuda sa ilalim ng DSWD-SAP?

Kailangang ibalik ang ayuda sa kanilang pamahalaang lokal. Humingi lamang ng acknowledgement receipt bilang patunay ng pagbabalik ng ayuda. Ayon sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, ang emergency cash subsidy sa ilalim ng DSWD-SAP ay para sa mahihirap na pamilyang pinaka-naapektuhan ng ECQ na kabilang sa impormal na sektor.  Base sa eligibility requirements na ito, hindi kwalipikado ang mga pamilya ng mga formal sector workers sa SAP.

Magpapalabas ang mga concerned agencies ng demand letter kung mapag-alaman na ang isang pamilya ay tumanggap ng doble at hindi sinauli ang ibang ayudang natanggap (May 21, DSWD Virtual Presser).

    1. 24. Ano po ba ang mangyayari kung nakatanggap ng SAP at nakatanggap pa rin sa DOLE?

Kailangang ibalik ang ayuda sa kanilang pamahalaang lokal. Humingi lamang ng acknowledgement receipt bilang patunay ng pagbabalik ng ayuda. Hindi maaring magkaroon ng duplikasyon sa pagbibigay ng ayuda. Ang DSWD ay magsasagawa ng balidasyon upang tukuyin ang eligibility ng mga benepisyaryo at ang pag-uulit o duplikasyon ng naibigay na benepisyo.

Kasama sa mga pamilya na hindi kabilang sa mga tatanggap ng SAP cash subsidy ang may mga miyembro na empleyado sa pribadong sektor, o silang mga nasa pormal na ekonomiya. Ang DOLE ay nagpapatupad ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) para sa empleyadong ito na apektado ng krisis. Kaya naman, hindi na sila kabilang sa SAP (April 28, DSWD Virtual Presser).

    1. 25. Maari bang ang ayuda mula sa ibang ahensya ang ibabalik imbis na ang natanggap na ayuda mula sa DSWD?

Hindi. Kailangang ang ayuda mula sa DSWD ang ibalik. Ang pagtanggap ng ayuda mula sa ibang ahensya katulad ng SSS o DOLE ay nagpapatunay lamang na nasa pormal na sektor ang nakatanggap kung kaya naman hindi sya kabilang sa eligible na makatanggap ng ayuda mula sa DSWD.

Ayon sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, ang emergency cash subsidy sa ilalim ng DSWD-SAP ay para sa mahihirap na pamilyang pinaka-naapektuhan ng ECQ na kabilang sa impormal na sektor.  Base sa eligibility requirements na ito, hindi kwalipikado ang mga pamilya ng mga formal sector workers sa SAP.

IBANG KATANUNGAN O HINAING PATUNGKOL SA SAP

    1. 26. Ano ang ginagawa ng DSWD sa mga reports ng iregularidad sa pag-identify ng mga benepisyaryo ng SAP?

Ang DSWD ay titiyaking may angkop na pagsangguni at pag-uulat sa kinauukulang opisina katulad ng DILG para sa balidasyon at/o imbestigasyon ng mga kaso ng iregularidad sa pag-identify ng mga benepisyaryo. Alinsunod ito sa Grievance Redress System na binuo tugon sa iab’t ibang uri ng reklamo.

    1. 27. Maaari bang imbestigahan ng DSWD ang mga anomalya sa pamimigay ng SP involving local social welfare and development officers at mga local officials na pinili ang mabibigyan ng ayuda base sa kanilang “kakilala” at sa “padrino system”?

Hindi. Walang awtoridad ang DSWD sa mga local social welfare and development officers at iba pang lokal officials na mga empleyado ng lokal na pamahalaan.

Magkagayunman, anumang reklamo patungkol sa mga LGU officials at employees ay ipapahatid ng DSWD sa DILG para sa 

Comments

Popular posts from this blog

SCHOLARSHIP FORM

SCHOLARSHIP 2024-2025